Mabila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacanang ang resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS na bumaba ang bilang ng mga adults na walang trabaho.
Batay kasi sa survey ay bumaba sa 15.7% ang bilang ng unemployment noong Desyembre.
Tumaas din naman ang optimism ng mga Pilipino sa +41 na pinakamataas mula noong 1998.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito na ang pinakamababang adult unemployment rate mula noong 2004 at nasa tamang landas ang administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng mga sustainable at inclusive development plans.
Ibinida din ni Roque na tumataas ang disbursements ng pamahalaan ng pondo para sa infrastructure projects na umabot sa 43.8 billion na nagbubukas ng maraming trabaho.
Inaasahan parin naman aniya nila na mas darami pa ang trabaho dahil sa implimentasyon ng Train Law dahil tataas ang infrastucture investments sa bansa.