PULSO NG MASA | Pope Francis, tinanghal na ‘Most Favorable Image’ sa mga Pinoy sa taong 2017

Manila, Philippines – Nanguna sa Gallup International Association Survey si Pope Francis bilang world leader na may ‘Most Favorable Image’ sa mga Filipino sa taong 2017.

Batay sa survey, nasa 87 porsyento ng mga Filipino ang may positibong pananaw kay Pope Francis at nakakuha lamang ng 7 porsyentong negatibong komento.

Nakuha ng Santo Papa ang positive 80 net score sa bansa.


Pumangalawa naman si US President Donald Trump na may 72 porsyento positibong pananaw sa mga Filipino at may 23 porsyentong negatibo habang mayroon itong net score na 49.

Halos kalahati naman sa mga Pinoy ang aprubado si Russian President Vladimir Putin na may 47 porsyentong approval rate habang 27 ang may negatibong pananaw at may net score na positive 20.

Mayroon namang negative 1 na net score si Chinese President Xi Jinping sa mga Pinoy.

Tatlumpu’t limang porsyento ang aprub kay Xi habang 36 percent ang hindi pabor sa kanya.

Facebook Comments