PULSO NG MASA | Satisfaction ratings ng ilang opisyal ng pamahalaan, alamin

Manila, Philippines – Bumaba ang net satisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Batay sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS), mula sa +9 nitong Setyembre ay bumaba ito ng +6 ngayong buwan o katumbas ng ‘neutral’ rating.

Tumaas naman ng isang puntos ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo na nakapagtala ng +42 o katumbas ng ‘good’.

Si Senate President Koko Pimentel, mula sa dating +46 noong Setyembre ay naging +49 ngayong Disyembre o ‘good’ rating.


Umangat din ang satisfaction rating ni House Speaker Pantaleon Alvarez, mula sa dating +8 o ‘neutral’ noong Setyembre ay naging +14 o ‘moderate’.

Facebook Comments