Pulso ng Metro, bibisitahin ang Barangay 401 sa Sampaloc, Maynila

Nakatakdang magpunta ngayon ang team ng Pulso ng Metro sa Barangay 401, Sampaloc, Maynila.

Kasama ang main anchor ng programa na si Radyoman Deo De Guzman, magsasagawa tayo ng courtesy call kay Chairman Allan Antiado kung saan ipapakila ni Radyoman Deo sa mga taga-Barangay 401 ang layunin ng programang Pulso ng Metro.

Aalamin din ng Pulso ng Metro ang mga aktibidad na ipinapatupad o nagawa na ni Chairman Antiado sa kaniyang barangay maging ang mga pangangailangan o problema nila na maaaring matulungan ng Pulso ng Metro para mabigyan ng solusyon.


Bukod dito, ipapakilala din natin ang Radyo Trabaho ng DZXL kung saan aalamin din natin ang lagay o sitwasyon ng mga taga-Barangay 401 partikular ang mga naghahanap ng trabaho.

Ang nasabing hakbang ng Pulso ng Metro ay upang maging katuwang ang bawat barangay sa Metro Manila para malaman ang kanilang sitwasyon at mabigyan ng pagkilala ang mga nagagawa ng lokal na pamahalaang sundin ang bawat kapitan ng barangay.

Facebook Comments