PUMAGITNA | Gov. Toto Mangudadatu, may panawagan sa mga LGU at lider na magsilbing mediator sa gulo sa kanilang nasasakupang lugar

Manila, Philippines – May panawagan naman si Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu sa mga mayors at lider ng nasasakupan nilang bayan na magsilbing mediator sa mga naglalabang grupo dahil sa rido o alitan.

Dapat pumagitna ang mga ito at huwag hayaang lumala ang sitwasyon sa kanilang lugar dahil nagiging kaawa awa ang sitwasyon ng mga sibilyan kabilang ang mga inosenteng bata.

May panawagan din siya sa mga kaanak at kasamahan ng mga sangkot sa gulo na huwag gatungan ang sitwasyon dahil hindi sila nakakatulong para matigil ang gulo bagkus aynagpapalala sila sa sitwasyon.


Facebook Comments