Manila, Philippines – Pumalag si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot sa akusasyong “ambush me” o plinano niya ang nangyaring ambush sa kanyang pamilya kamakailan kung saan apat ang sugatan.
Sa interview ng RMN DZXL Manila, binigyan diin ni Loot na walang matinong indibidwal ang mag-iisip na ipahamaka ang kanyang pamilya kapalit ng personal na intereres.
Ayon kay Loot – “illogical” ang ideyang ambush me dahil hindi biro ang trauma idinulot ng insidente sa kanyang dalawang anak at limang apo.
Naniniwala si Loot na planado ng isa sa kanyang mga kalaban sa politika ang pananambang sa kanyang lalo nat nakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay bago ang ambush.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa nangyari sa Alkalde.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao – bukod sa “ambush me”, kabilang sa mga tinitignan nilang anggulo ang pagkakasangkot umano ni loot sa iligal na droga.
Ang tinig ni Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot at PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao.