Kasunod ito ng pahayag ni David na isang malaking kasinungalingan ang war on drugs ng Duterte Administration sa nagdaang tatlong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tanging sa panahon lamang ng pamumuno ni Pangulong Duterte nagkaroon nang matinding kampanya para masugpo ang iligal na droga sa bansa.
Dagdag pa ni Panelo, base sa inilabas na December 2018 Social Weather Stations (SWS) survey 66 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang nabawasan ang mga gumagamit ng droga sa kanilang mga lugar.
Giit pa ni Panelo, simula nang namuno si Pangulong Duterte ay 164,265 drug personalities na ang nahuli at aabot sa 9,503 Barangays na ang idineklarang drug-free habang ₱25.19 bilyong halaga ng mga droga at equipment ang nasamsam ng Otoridad.
Kaya payo ni Panelo kay David, na unahin na lang bigyang atensyong-espiritwal na pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa bansa kaysa sa banatan ang war on drugs ng administrasyon.