PUMALAG | Banat ni Pangulong Duterte, pinalagan ni Senator Pangilinan

Manila, Philippines – Iginiit ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa halip banatan nito ang mga katunggali ay mainam na hanapan na lang nito ng solusyon ang mga problema sa bansa.

Tinukoy ni Pangilinan na dapat atupagin ng Pangulo ang problema sa kawalan ng murang bigas, walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin, at dagdag na sahod at trabaho para sa mga Pilipinong hirap na hirap na mabuhay ng maayos.

Reaksyon ito ni Pangilinan, sa banat ni Pangulong Duterte sa kanya at sa isinulong niyang juvenile justice and welfare act of 2006.


Magugunitang sa kanyang talumpati ay tinawag ni Pangulong Duterte na pontifical si pangilinan at siyang dahilan kaya hindi napapanagot sa batas ang mga batang gumagawa ng krimen hanggang edad kinse.

Facebook Comments