PUMALAG | Budget Secretary Benjamin Diokno, iginiit na mas magdudulot lang ng masamang epekto kapag itinigil ang implementasyon ng TRAIN law

Manila, Philippines – Pumalag si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa panawagan ng ilang mambabatas na ipatigil ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Giit ni Diokno, ang pagpigil sa implementasyon ng TRAIN law ay mas lalo lang magdudulot lamang ng masamang epekto.

Ayon pa sa kalihim, masisira lamang ang tax collection efforts at hindi rin maabot ng gobyerno ang revenue targets nito.


Ang TRAIN law aniya ay nagbibigay ng ‘Mitigating Measures’ para protektahan ang mga mahihirap sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Facebook Comments