PUMALAG | CJ Sereno, inupakan ang House Committee on Justice kaugnay sa patuloy na pagdidiin sa kanya

Manila, Philippines – Binanatan ni on leave Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang House Committee on Justice sa pagdalo nito sa 23rd Annual Convention Seminar at 30th anniversary ng Philippine Women Judges Association (PWJA).

Sa kaniyang inspirational message, tinalakay ni Sereno ang impeachment complaint laban sa kaniya kung saan binanggit ng Punong Mahistrado na hindi siya patitinag sa mga kasinungalingan at pambubully na ibinabato sa kaniya.

Binanggit ni Sereno na ipaglalaban niya ang karapatan niyang makasagot sa Senate Impeachment Court.


Hindi umano kasi siya nabigyan ng pagkakataon sa Kamara makaraang hindi siya payagan na i-cross examine ang mga testigo.

Facebook Comments