PUMALAG | DepEd, tutol sa isinusulong na mandatory drug testing

Manila, Philippines – Pumalag si Education Secretary Leonor Briones sa sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na isusulong nila ang mandatory drug testing sa lahat ng mga estudyante mula grade 4 pataas.

Sabi ni Briones, tanging mga high school student lamang ang pwedeng isalang sa drug testing.

Ayon pa kay Briones, dapat linawin at masusing pag-aralan ng PDEA ang totoong layunin nito.


Katwiran pa ni Briones, sa ilalim kasi ng batas ang mga dapat isailalim sa drug testing ay yung mga nasa high school level lamang at hindi kasama rito ang elementary level.

Dapat din aniyang ikunsidera ang privacy at reputasyon ng mga estudyante.

Problema rin aniya ang logistics at proseso ng drug testing lalo na at nasa 14 million na ang mga estudyante sa buong bansa.

Facebook Comments