PUMALAG | Heart Evangelista, bumuwelta sa isang netizen na kumukwestiyon sa kaniyang pangangatawan

Manila, Philippines – Pumalag ngayon ang aktres na si Heart Evangelista sa isang netizen na ipinapahiya siya dahil sa kaniyang pangangatawan.

Nabatid kasi na unang nag-post si Heart ng kaniyang picture kung saan kita ang tummy nito.

Isang netizen ang biglang nagkomento sa kaniya at sinabing wala naman nakikitang kaseksihan kay Heart at wala din naman kahit na abs.


Pero giit ng aktres, hindi daw niya kailangan na magkaroon ng abs para masabing maganda ang katawan at hindi din naman daw siya nagpo-post para ipakita na siya ay sexy.

Dahil dito, maraming followers ni Heart ang kumampi sa kaniya kung saan una na din dinedma ng aktres ang isyu at komento ng ilang basher na isa siyang “baog”.

Facebook Comments