Manila, Philippines – Umalma ang ilang may-ari ng sari-sari store sa plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na patawan ng “Suggested Retail Price” (SRP) ang kanilang itinitinda.
Pero paglilinaw ni DTI Usec. Ruth Castelo, pinaplantsa pa ang mas mataas na SRP na balak nilang ipatupad sa mga sari-sari store dahil hango lang ito sa mga ahente at supermarket.
Nakatanggap kasi aniya sila ng ulat na malaki ang iminahal ng mga produkto sa mga sari-sari stories bunsod ng reporma sa buwis.
Kasabay nito, igiiit naman ng mga manufacturer ng sardinas na asahan na ang pagmamahal ng kanilang presyo sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Bombit Buencamino, Executive Director ng Canned Sardines Association of the Philippines, masasapul din kasi ng excise tax ang karneng delata na tinatayang nasa 12 porsiyento ang magiging dagdag.
Maliban rito, tataas din aniya ang presyo ng imported na materyales sa paggawa ng lata kaya tatamaan nito ang presyo ng sardinas at ibang karneng delata.