PUMALAG | Lalaking kinuyog, gumanti – nakabaril

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mabaril ang isa sa mga kumuyog sa kaniya sa Barangay 35, Caloocan City.
Sa ulat, hinarang ng mga kalalakihan ang suspek na si Prencillo Batac para hingan sana ng barya pero pumalag ito kaya’t pinagtulungang bugbugin kung saan bumunot ito ng baril saka pinaputukan sa tiyan ang biktimang si Bernardo Ramirez at mabilis na nakatakas.
Ayon kay Caloocan PNP Chief Sr. Supt. Jemar Modequillo, nasakote nila ang suspek sa mismong bahay nito na tinangka pang itago ng kaniyang live-in-partner.
Sinabi pa ni Modequillo na kilalang siga sa lugar ang suspek at kinakatakutan ito dahil sa palaging may dalang baril.
Todo tanggi naman sa paratang ang suspek at iginiit nito na ipinagtanggol lamang niya ang kaniyang sarili.
Hindi naman maipaliwanag ng suspek kung bakit ito may dalang baril at hindi niya masabi kung kanino niya ito nakuha.

Facebook Comments