Manila, Philippines – Nananatili ang pagtutol ni Senate President Koko Pimentel na ibalik ang pagpapadala ng household service workers sa Kuwait.
Pahayag ito ni Pimentel sa kabila ng nakatakdang pirmahan ngayong araw ng Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Para kay Pimentel, ‘very good development’ ang paglagda sa kasunduan ng Pilipinas at Kuwait at masusubok lang kung epektibo ito sa pagbalik ng deployment ng mga mangagawang Pinoy.
Diin ni Pimentel, pwedeng magpadala muli sa Kuwait ng mga Filipino skilled workers tulad ng mga engineers, foremen, at welders pero hindi mga household service workers.
Facebook Comments