PUMALAG | Majority leader Andaya, umalma sa paratang ng Senado

Pumalag si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., sa pasaring ng Senado na away pera lamang ang nangyaring banggaan sa pagitan ng mga lider ng Kamara dahil sa naisingit na pondo sa 2019 budget.

Iginiit ni Andaya na hindi naman tamang pagdudahan sila agad sa pagiging mabusisi sa budget matapos na ipa-realign sa mga proyekto sa imprastraktura ang naisingit na P55 Billion sa pambansang pondo na una nilang ipinatatapyas ni Speaker Gloria Arroyo.

Ayon kay Andaya, masama ang kanyang loob dahil kapag Senado ang naghihigpit sa pagbusisi sa budget at naglalapat dito ng amiyenda ay tinatawag itong vigilance pero kapag Kamara na ang nagmungkahi ng pagbabago sa budget ay agad itong iniisipan ng masama.


Tiniyak ni Andaya na mas maghihigpit sila sa budget ngayon kaya itemized ang aprubadong pagbabago dito.

Gayunman, may mga augmentation na mahirap i-itemize o idetalye agad tulad ng calamity fund augmentation para sa Ompong rehabilitation.

Pinag-aaralan nang ilagay muna ang mga ganitong pagkakagastusan sa unprogrammed fund para mapaglalaanan na lamang ng pondo sa oras na may available funds na ang gobyerno.

Facebook Comments