PUMALAG | Malacañang, binatikos ang pag-aaral ng Ateneo de Manila at De La Salle University

Manila, Philippines – Pinalagan ng Malacañang ang resulta ng pag-aaral ng Ateneo de Manila at De La Salle University na tanging mahihirap, lalaki at nanlaban lamang ang napapatay sa anti-drug operations ng Duterte Administration.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bago maglabas ng report, dapat may matibay na batayan ang dalawang unibersidad kung totoo na sa drug war napapatay ang mga mahihirap.

Binabatikos din ni Roque ang resulta dahil umasa lamang umano ang dalawang unibersidad sa ulat ng media.


Giit ni Roque, mas pinag-ibayo pa dapat ng mga eksperto ng dalawang unibersidad ang kanilang pagsasaliksik upang malaman kung may iba pang mas malalim na dahilan ng kanilang kamatayan.

Maging si PNP Chief Director General Oscar Albayalde ay pinalagan ang report kung saan sinabi niya na walang pinipili ang war on drugs ng pamahalaan.

Una na rin kasing sinabi sa report na ligtas ang mga mayayaman at malalaking drug lord sa bansa.

Facebook Comments