Manila, Philippines – Bumwelta ang palasyo sa pahayag ni UN Special Rapporteur on the Independence of Judges and Lawyers Diego Garcia-Sayan na may kinalaman umano ang Pangulong Duterte sa pagkakatanggal ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “misinformed” ang nasabing special rapporteur sa kaso ng dating Chief Justice.
Giit ni Roque, mismong ang mataas na hukuman ang nag-apruba sa quo warranto petition laban kay Sereno.
Anya, mismong ang mga kasamahan din niya sa Supreme Court ang nagtanggal sa kaniya sa pwesto.
Sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Garcia-Sayan na tinanggal si Sereno matapos siyang pagbantaan ng Pangulo.
Dagdag pa niya, may chilling effect sa hudikatura ang pagtanggal kay Sereno bilang chief justice.