Manila, Philippines – Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na willing victim ang Pilipinas sa China dahil sa pagtanggi nitong ipatupad ang the Hague ruling kaugnay sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi na nila papatulan ang dating kalihim na ipinipilit ang confrontational style of approach para resolbahin ang issue.
Paliwanag ni Roque, mas mabisa ang polisiyang ipinatutupad ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mas maayos ngayon ang relasyon ng Pilipinas sa China.
Dahil aniya sa mga hakbang na ito ng Pamahalaan ay maraming naging magandang bunga tulad ng maaari nang makapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough shoal.
Bukad pa an iya sa ibat-ibang investment at trade opportunities sa pagitan ng Pilipinas at China na nabuksan dahil sa magandang relasyon ni Pangulong Dutere at Chinese President Xi Jinping.
Tahasan ding sinabi ni Roque na tila hindi naiintindihan ni del Rosario at arbitration Ruling na aniyay binding sa dalawang partido.