PUMALAG | Malacañang, pumalag sa pagtawag ni dating CJ Sereno na ‘harassment’ ang ginagawang imbestigasyon ng BIR laban sa kanya

Manila, Philippines – Pumalag ang MalacaƱang sa pahayag ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na bahagi pa rin ng harassment ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kanyang tax filing.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi bahagi ng persecution ng Duterte Administration ang ginagawang imbestigasyon ng BIR laban kay Sereno.

Aniya, mas makabubuting pagtuunan na lang ng pansin ni Sereno kung babaligtarin ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito sa quo warranto petition laban sa kaniya.


Facebook Comments