PUMALAG | Mga Pilipino, mistulang papatayin na sa gutom ng gobyerno ayon sa Gabriela

Manila, Philippines – Pumalag si Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas sa pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na makakapamuhay ang isang pamilya na may limang myembro sa halagang P10,000 kada buwan.

Giit ni Brosas, hindi mamamatay sa oplan tokhang at all-out-war ang mga mahihirap na pamilya kundi papatayin ng gobyerno sa gutom ang mga ito.

Sinabi ng Lady Solon na pwersahan na pinag-da-diet ang mga Pilipino dahil sa mababang halaga na itinakda ng NEDA para mabuhay ang isang pamilya.


Hindi aniya nakikita ng NEDA ang tunay na kalagayan ng mga ordinaryong pamilya sa bansa na hindi na halos kumakain para lamang matugunan din ang iba pang pangangailangan.

Naniniwala si Brosas na ang hindi makataong standard ng pamumuhay na itinatakda ng NEDA ay maaring dahilan para hindi ibigay sa mga manggagawa ang hirit na P750 national minimum wage at para i-downplay ang epekto ng TRAIN Law.

Facebook Comments