Manila, Philippines – Hindi tanggap ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang sinasabing malamya ang nagampanan ng ahensya kung kayat binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang kapangyarihan nila sa war on drugs.
Ayon kay Aquino, halos napaka-aga pa para husgahan ang PDEA.
Pero, maipagmamalaki niya na sa mahigit isang buwan magmula nang muli silang manguna sa kampanya, nakapagsagawa sila ng 1,343 operation na nagbunga ng pagkakakumpiska ng illegal drugs na nagkakahalaga ng P53 million.
Gayunman, aminado si Aquino na bigo sila na matutukan ang pagtutulak ng droga sa mga komunidad o street pushing. Kulang kasi sila ng tauhan sa mga barangay.
500 pa lamang na barangay ang nalinis sa droga at may natitira pang 22,000 na saklot ng illegal drugs.