PUMALAG | P-Duterte, muling dinepensahan ang pagtatalaga niya kay NCRPO Director Oscar Albayalde bilang bagong PNP Chief

Manila, Philippines – Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga niya kay incoming Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Ayon sa Pangulo, si Albayalde lang dapat at walang iba ang pwedeng mamuno sa PNP ngayon.

Aniya, hindi siya nakikinig sa mga rekomendasyon ng mga pulitiko lalo at inaasahan nila na taga-Davao rin ang papalit kay outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa.


Dagdag pa ni Duterte, hindi niya hinahaluan ng pulitika ang mga ginagawang appointment lalo na sa pulis at militar.

Facebook Comments