Manila, Philippines – Pinalagan ng Malacañang ang mga pahayag ni Rappler CEO Maria Ressa na labag sa batas ang pag-ban ng isang reporter sa Palasyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maghain na lamang ng kaso si Ressa sa korte kung may basehan ang kaniyang mga paratang.
Matatandaan na na-ban ang isang reporter ng Rappler dahil sa isyu ng ownership na umano ay nasa ilalim ng foreign company na mariin naman itinanggi ng online news website.
Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang pagkaka-revoke ng registration ng Rappler ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang puno’t dulo ng pagkaka-ban sa reporter nito at hindi dapat isisi sa Malacañang.
Kasalukuyan din nahaharap si Ressa at ang Rappler sa kaso dahil sa umano ay hindi tamang pagbabayad ng buwis.