Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng Palasyo ng Malacanang ang naging pahayag ng US Intelligence Committee na nagsasabi na banta sa demokrasya at karapatang pantao sa buong South East Asia si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naging makitid at Speculative ang Assessment ng US Intelligence Committee kay Pangulong Duterte.
Binigyang diin pa ni Roque, hindi diktador at walang posibilidad na maging diktador si Pangulong Duterte dahil sumusunod ito at nananatiling tapat sa constitusyon ng bansa.
Isa aniyang malinaw na patunay dito ay malayang maglabas ng balita ang Media sa bansa at maaaring ilabas ng mga ito ang mga malalaking balita at kabilang din dito ang Fake News.
Umaandar din naman aniya ang Judiciary at nanatiling Independent ang lehislatura at naibibigay pa rin naman ng gobyerno ang pangunahing serbisyo sa mamamayan.
Binigyang diin pa ni Roque na walang umiiral na Revolutionary Government at National Martial Law na sinasabi ng US Intelligence Community na posibleng ideklara ng Pangulo.
Ang totoo lang aniya ay ginagamit ng administrasyon ang social media para isulong ang mga mensahe at napagtagumpayan ng gobyerno at maaari din itong gamitin ng oposisyon at iba pang grupo.