Manila, Philippines – Pumalag ang Philippine National Police (PNP) sa report ng US state department na major human rights concern sa Pilipinas ang mga kaso ng extra-judicial killings sa ilalim ng anti-illegal drugs war ng gobyernong Duterte.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, nakuha lamang ng Amerika ang mga alegasyon nito sa mga ‘sabi-sabi’.
Binigyang diin pa ni Bulalacao ang 2016 senate justice and human rights committee report na nagsasabing walang state-sponsored killings sa bansa.
Ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilang pagpatay aniya ay isolated lamang.
Facebook Comments