PUMALAG | Pilipinas, hindi naging maluwag sa China sa issue sa South China Sea

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na hindi naging maluwag ang Pilipinas sa China sa issue sa South China Sea.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng sinabi ng isang maritime expert at University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Jay Batongbacal na naging maluwag ang Pilipinas sa pagbibigay ng pabor sa China para maging maganda ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinangangalagaan lang ng Administrasyong Duterte ang interes ng bansa at ng taumbayan sa pagsusulong ng magandang relasyon ng Pilipinas sa China.


Dahil aniya sa mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay malayang nakakapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough shoal at mapayapa na ang rehiyon.

Bukod aniya dito ay dumarami na rin ang Chinese tourist na bumibisita sa bansa pati na ang mga Chinese investors.

Hindi rin naman aniya pinababayaan ng administrayon ang pagsusulong ng sovereign rights ng Pilipinas sa naturang lugar.

Samantala, inaasahan naman na dadalawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo ang burol ng OFW na si Joana Demapelis sa Ilo-Ilo na nakitang nakasilid sa freezer sa Kuwait wala pang inilalabas na buong detalye ang malacanang sa nasabing schedule ng Pangulo.

Facebook Comments