PUMALAG | Samahan ng prosecutors, umalma na rin sa rekomendasyon ng PACC laban sa prosecutors na nagbasura sa drug case nina Peter Lim at Kerwin Espinosa

Manila, Philippines – Pumalag na rin ang State Prosecutors and Prosecution Attorneys Association Inc. (SPPAAI) sa rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na preventive suspension at paghahain ng administrative charges laban sa kanilang mga kasamahan na nagbasura sa drug case nina Peter Lim, Peter Co at Kerwin Espinosa.

Ito ay kinabibilangan nina Assistant State Prosecutor Michael John Humarang, OIC-Senior Deputy State Prosecutor Rassendel Rex Gingoyon, Acting Prosecutor General Jorge Catalan, at dating former Assistant State Prosecutor na ngayon ay Lucena Regional Trial Court Judge Aristotle Reyes na pinasasailalim din sa lifestyle check.

Ayon kay State Prosecutor Jolly de Claro-Mendoza, ang rekomendasyon ng PACC ay maituturing na reckless at malicious.


Aniya, silang mga piskal ay dumedepende lang naman sa mga ebidensyang inihahain sa kanila.

Hindi aniya nila maaaring ibase ang kanilang mga desisyon sa opinyon ng publiko sa kaso.

Una na ring pumalag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa naturang rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Facebook Comments