Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel na ang Senado ay ‘nag-aaral na kapulungan’.
Tugon ito ni Pimentel sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ang Senado ay ‘mabagal na kapulungan’ pagdating sa pagpasa ng mga panukala.
Paliwanag ni Pimentel, totoong napakaraming mga panukala ang nagmumula sa Kamara na kanilang pinag-aaralan munang mabuti bago ipasa.
Diin ni Pimentel, mas pinapahalagahan nila ang kalidad at hindi ang dami ng mga panukala na kailangang ipasa.
Ipinunto ni Pimentel na hindi dapat husgahan ang paggawa ng batas sa pamamagitan ng dami nito kundi sa kung ano ba ang maitutulong nito para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
Facebook Comments