PUMALAG | SP Sotto, itinangging idinadaan na lang sa kwentuhan ang pagpasa sa mga panukala

Manila, Philippines – Pumalag si Senate President Tito Sotto sa pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na sa halip magkaroon ng mainitang debate ay idinadaan na lamang kwentuhan ngayon ng mga senador ang pagpasa sa mga panukalang batas.

Diin ni Sotto, walang katotohanan ang sinasabi ni Enrile na “coffee table legislation” sa Senado.

Naniniwala si Sotto na marahil ay nabigyan ng maling impormasyon si Enrile.


Ayon pa kay Sotto, ang mga panukala ay mahigpit nilang pinagtatalunan sa plenaryo upang mabusisi kung ito ay kapaki-pakinabang, kontrobersyal o makatutulong sa lokal level.

Inihalimbawa pa ni Sotto na matagal na pinagdebatehan ang mga panukala kaugnay sa Coco Levy, Rice Tariffication, Bangsamoro Organic Law (BOL), Philippine ID System, Revised Corporation Code, Amendments sa BSP Charter, Tax Amnesty, ENDO, Universal Health Care, Anti-Discrimination Bill at marami pang iba.

Facebook Comments