PUMALAG | Vicente Ladlad, hindi na ikinokonsiderang NDF peace negotiator ng DND

Manila, Philippines – Pumalag na rin ang Department of National Defense (DND) sa mga banat ni Mrs. Fides Lim Ladlad.

Ang asawa nang naarestong National Democratic Front o NDF consultant na si Vicente Ladlad laban sa mga banat nito sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana hindi totoong kaya inaresto si Vic Ladlad ay para mahinto na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines National Democratic Front o CPP-NPA.


Bwelta ni Lorenzana buwan pa ng Hunyo na-suspended o nahinto ang peace process kaya malabo aniyang may kinalaman sa usapang pangkapayaan ang pag-aresto kay Vic Ladlad.

Giit pa ng kalihim lumabag sa batas si Vic Ladlad kaya dapat siyang arestuhin ng mga pulis.

Sinabi pa ni Lorenzana na noong na terminate ang peace talks ay expired na rin daw ang pagiging NDF peace negotiator ni Vic Ladlad.

Matatandaang sa pamamagitan ng search warrant nakuha sa pag-iingat ni Vic Ladlad ang ilang baril nang isagawa mg operasyon sa Quezon City kamakailan kaya inaresto ito ng mga pulis.

Pero iginiit ng kampo ni Ladlad na itinanim ang mga baril upang maikulong ang NDF consultant at makapigil ito sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan.

Facebook Comments