PUMALO | Bilang ng mga bangkay na narekober sa Itogon landslide, umakyat na sa 42

Itogon, Benguet – Umakyat na sa 42 ang bilang na narekober na bangkay sa landslide sa Itogon, Benguet.

Base sa pinakahuling ulat, tatlong labi ang huling narekober mula sa gumuhong mining site sa Barangay Ucab.

Ang dalawang bagong bangkay ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.


Nakaposisyon na rin sa lugar ang mga heavy equipment, kabilang ang apat na backhoe.

Kahapon, September 22, 2018 ang ikapitong araw ng search, rescue at retrieval operations.

Facebook Comments