Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 800,000 trabaho ang nilikha ngayong taon.
Batay sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) – karamihan sa mga trabahong ito ay nasa construction, manufacturing at logistics industry.
Ayon kay DOLE-Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay – pinaka-lumago ang mga nabanggit na industriya dahil sa paglaganap ng online shopping.
Sa kabila nito, umaasa aniya ang pamahalaan na madaragdagan pa ang mga trabaho lalo at mag-e-eleksyon sa susunod na taon.
Nabatid na target ng gobyerno na makalikha ng 1.1-milyong trabaho kada taon.
Facebook Comments