PUMALO | Iniwang pinsala ni Bagyong Rosita sa Agrikultura, abot na sa P112.21 million

Manila, Philippines – Pumalo na ngayon sa P112.21 million ang tinatayang pinsala ng Bagyong Rosita sa sektor ng agrikultura sa Northern Luzon.

Sa ipinalabas na datos ng Department of Agriculture, napinsala ang 7,448 na ektaryang agricultural areas na ikinasira ng 6,564 metric tons ng production volume.

Pinakamalaking apektado ang rice crops kung saan 99.82% ang napinsala o katumbas ito ng P 112.01 million.


Apektado ang nasa 4,917 na mga magsasaka sa Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.

Nasa 199,079 naman ang pinsala sa high value crops.Nasa 19 hectares na taniman ng repolyo, broccoli, patatas, kamatis, garden pea, bell pepper, lettuce, carrot at snap beans na nasa 4 metric tons ang volume ang sinira ng bagyo sa Ifugao, Benguet at Mt. Province.

karamihan sa mga sinalantang pananim na gulay ay nasa ‘vegetative stage’ na.

Facebook Comments