PUMALO | Mahigit 1000, arestado sa ibat ibang kaso sa Maynila

Manila, Philippines – Pumalo sa 1,135 ang naaaresto sa paglabag sa City Ordinances kabilang na diyan ang mga kasong Illegal Drugs,Illegal Gambling ,Physical Injury, Robbery & Theft,Warrant of Arrest, Alarms and Scandals at paglabag sa RA 9165 at RA 7610 at iba pang kadong pang aabuso na nangyayari sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo puspusan ang kanilang kampanya kontra anumang urinng kriminalidad sa Lungsod upang matiyak na amging ligtas ang mga Manilenyo na maglakad kahit hatinggabi sa ibat ibang lugar sa Manila.

Paliwanag ni Margarejo dahil sa kanilang operasyon sa Illegal Drugs ay nakakumpiska sila ng 23 pirasong heat sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Umapila rin ang opisyal sa publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya at isumbong sa pulisya kapag mayroon silang nalalamang may kahina hinalang pagkilos sa kanilang lugar o anumang mga nangyayari krimen upang agad na mabigyan ng agarang aksyon ng pulisya.

Facebook Comments