PUMALO | Mahigit kumulang 2,000 indibidwal, inilikas sa iba’t ibang evacuation center sa Marikina City

Marikina – Pumalo na sa 1,783 pamilya o 2724 na pamilya ang inilikas sa iba’t ibang Evacuation Center sa Marikina City dahil sa isinagawang Force Evacuation dahil na rin sa umakyat na sa ikatlong alarma o nasa 17.3 meters ang Marikina Water Level.

Patuloy ang pagtaas ng tubig baha kaya’t sapilitan nang inilikas ang mga residente na malapit sa ilog ng Marikina gaya nalamang sa Malanday Elem School kung saan pumalo na sa 170 Families, at 803 individuals ang inilikas sa naturang paaralan habang sa Bulelak Covered Court ay nasa 182 families at 804 Individuals, Nangka Elem School ay nasa 41 pamilya at 161 Individuals, Sta Elena High School ay umakyat na sa 28 families at 130 individuals, C.I.S ay nasa 89 families at 409 individuals, sa Tanong High School ay 9 families at 33 individuals, H Bautista Elementary School ay nasa 77 families at 384 individuals na umaabot sa kabuuang 1783 pamilya at 2724 indibidwal.

Pinayuhan ng EPD ang mga residente ng Marikina na nakatira sa tabing ilog na sumunod na sa kautusan upang maiwasan ang disgrasya sakaling patuloy na pagtaas ng tubig baha sa Lungsod.


Facebook Comments