PUMALO! | Mga na-neutralize na komunistang terorista, umabot na sa halos 11,000 sa loob ng 11 buwan – ayon sa AFP

285

Manila, Philippines – Umaabot na sa 10, 986 ng mga komunistang terorista ang sumuko, naaresto at napatay sa mga operasyon ng militar sa buong bansa.

Ito ay ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo.

Aniya batay sa datos ng AFP Command Center mula January 1, 2018 hanggang November 28; 2018 pumalo na sa 10, 968 na mga regular member ng New People’s Army, Militia ng bayan, Sangay sa Partido lokal, Underground Mass Organization at iba pang mga supporters ang sumuko sa militar.

116 naman ng mga komunistang terorista ang namatay sa mga sagupan matapos ang mga ikinasang operasyon ng militar.

Aabot naman sa 172 mga komunistag terorista ang naaresto.

Kasama rin sa datos ng AFP Command center ang bilang ng mga nakumpiskang armas simula noong January 1 2018 hanggang nitong November 28, 2018 na umaabot sa 1,709.

708 rito ay mga high powered firearms habang 1001 ay mga low powered firearms.

Nakakumpiska rin sila ng 503 na mga Explosive Devices at nakakubkob ng kampo ng teroristang NPA na aabot sa 280.

Facebook Comments