Pumalo na sa lima ang nasawi matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao

Kabilang sa mga nasawi ang isang estudyante mula magsasay, Davao del Sur, na nabagsakan ng debris habang lumilikas at ang isang buntis na nadaganan ng kahot sa Tulunan, North Cotabato.

 

Namatay din ang isang 66 anyos na si Nestor Narciso nang mabagsakan ng debris sa Koronadal, South Cotabato.

 

Kinumpirma rin ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nasawi rin ang isang mag-ama sa Arakan, Cotabato.


 

Alas-9:40 ng umaga nang maitala ang magnitude 6.6 na lindol sa may bayan ng Tulunan, North Cotabato.

 

Umabot hanggang intensity 7 na pagyanig ang naramdaman sa ilang lugar sa tulunan at makilala sa Cotabato, Kidapawan City, at Malungon sa Sarangani.

 

Matatandaang una nang niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang kaparehong lugar noong Oktubre 16, na ikinamatay ng hindi bababa sa apat na tao.

 

Nilinaw naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami dahil nasa lupa ang sentro ng lindol.

Facebook Comments