PUMALO | Namamatay sa war on drugs ng pamahalaan, umabot na sa halos 5,000 drug personalities

Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police na 4, 854 lang ang napapatay sa War on Drugs ng administrasyon at hindi mahigit 20, 000 na iginigiit ng iba’t ibang mga unibersidad at People’s Organizations.

Sa news Conference ng #RealnumbersPH sa kampo Crame, ang bilang na 4, 854 ay simula nang pumasok ang duterte administration noong 2016 at hanggang August 31, 2018.

Ang bilang na ito ng mga nasawi ay nanlaban umano kaya napatay sa anti-illegal drug operation ng PNP


Sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana, lahat ng mga naitalang patay na nasa kategoryang Death Under Investigation o DUI ay isinama ng mga kritiko ng administrasyon na mga namatay sa war on drugs kaya malaki ang bilang na kanilang naitala.

Kaugnay nito, As of Aug 31, 2018 may 153, 193 na mga drug personality ang naaresto kabilang ang 576 na Opisyal o empliyado ng gobyerno.

13 nang mga Clandestine Laboratory ang nabuwag kasama na ang pinakahuli sa Ocean Aire Residences sa Pasay City na sinalakay kagabi.

Umabot sa halagang 17.39 Billion pesos ng Shabu ang nakumpiska sa loob ng dalawang taon.

Sa mahigit na 42, 000 Barangay sa bansa ay 8, 444 ang ideneklarang drug cleared barangays.

Facebook Comments