Manila, Philippines – Pumalo na ngayon sa P55.72 million ang tinatayang pinsala ng habagat at Bagyong ‘Karding’ sa sektor ng agrikultura sa bansa
Sa ipinalabas na datos ng Department of Agriculture, napinsala ang mahigit sa pitonglibong ektaryang agricultural areas na ikinasira ng mahigit sa 1,000 metric tons ng production volume.
Pinakamalaking apektado ang rice crops kung saan 87.30% ang napinsala o katumbas ito ng P48.64 million na halaga at karamihan sa mga sinalantang pananim na palay ay nasa ‘vegetative stage’ na.
Kaugnay nito, 10.76% naman ang pinsala sa high value crops o katumbas ito ng P6 million na halaga.
Karamihan sa repolyo, cauliflower, broccolo, kamatis, bell pepper, patatas, talong, ampalaya, pechay, kalabasa at iba pang gulay sa Mt. Province at Abra ang sinira ng matitinding pag-ulan sa mga nakalipas na araw.
Ang value production loss naman sa mais ay nananatili sa P809,600 o 1.45% ng kabuuang damages at losses.
Samantala, nakapagtala rin ng pinasala ang OpCen ng kagawaran sa livestock partikular sa La Union at Ilocos Sur kung saan 259 animal heads ang namatay (251 poultry, 3 kambing, 1 kalabaw at 4 at baka).