Manila, Philippines – Pumalo na sa halagang mahigit 2.9 bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyong Rosita sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa regions 1,2,3,8 at Cordillera Administrative Region.
Ito ay batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa kanilang breakdown, umabot sa halagang 1.9 milyong piso ang nasira sa mga pananim na palay at mais, umabot naman sa halagang 2.5 milyong piso ang namatay na mga livestocks.
Halagang 72 milyong piso naman ang nasira sa mga gulay at prutas at 12 milyon piso naman ang nasira sa fisheries.
Umkyat rin sa 236 milyong piso ang halagang nasira sa sektor ng imprastraktura.
Samantala, sa ulat pa ng NDRRMC, kabuuang mahigit 65 libong pamilya o katumbas ng Dalawang daan at limangput apat na libong mga indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Rosita.
Sa bilang na ito, 96 pamilya o 301 na mga indibidwal ang nanatili pa rin sa syam na mga evacuation centers sa region 1,2,3,8 at CAR at patuloy na binibigyang ayuda ng pamahalaan.