Manila, Philippines – Pumalo na sa 3,153 ang bilang ng mga pasaherong stranded ngayon sa mga pantalan dahil sa epekto ng Bagyong Samuel.
Base ito sa datos ng Philippine Coast Guard kaninang alas kwatro ng umaga.
Pinakamaring stranded passengers ay naitala sa mga pantalan sa Cebu na aabot sa 1,201, sunod ang mga pantalan sa Northern Mindanao, 691.
Aabot naman sa 428 ang mga pasaherong stranded sa mga pantalan sa Eastern at Western Visayas, 181 sa Southern Visayas, 381 sa Bicol Region at 271 sa Bohol.
May 469 na mga stranded rolling cargo naman sa iba’t ibang mga pantalan sa buong bansa, bukod pa ang 129 na barko at 31 motorbanca.
Facebook Comments