Manila, Philippines – Sapilitang nagbaba ng nasa 250 na pasahero ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.
10:11 kanina nang magka-aberya kanina ang isang tren sa southbound ng GMA-Kamuning station dahil sa problema sa signalling system.
Mabilis namang nailipat sa sumunod na tren ang mga ibinabang pasahero pagkalipas ng apat na minuto.
Dahil dito, umabot sa 20 minutes ang tagal ng pag-aantay sa susunod na tren.
Sa kasalukuyan ay labinglimang tren ang bumibiyahe at napapakinabangan ng commuting public.
Facebook Comments