PUMALYA | Mahigit 1,000 pasahero ng MRT-3, pinababa

Manila, Philippines – Pinababa ang mahigit 1,000 pasahero ng MRT-3 sa northbound ng Buendia station matapos pumalya ang motor ng tren pasado alas-10:00 kagabi.

Pinasakay na lang ang mga pasahero sa sumunod na tren makalipas ang halos sampung minuto.

Posibleng ang dahilan nito ay ang electrical failure kaya at pumalya ang regulator at insulator nito.


Isasailalim naman ang nasiraang tren sa preventive maintenance.

Facebook Comments