PUMANAW | TESDA-9 Regional Director, natagpuang patay sa kanyang kwarto

Pagadian City – Humahagulgul pa sa pag-iyak ang asawa at mga anak ni Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) Regional Director Edgar Sales nang madatnan ng RMN news team sa isang purenarya sa lungsod ng Pagadian.

Sa edad na 59, binawian ng buhay si Sales sa loob ng kanyang inuupahang kwarto sa Our Lady of Triumph School sa Barangay Balangasan, Pagadian City.

Nagluluksa ang buong pamilya ng TESDA 9 dahil naturang pangyayari.


Nalaman na nagyong araw sana isasagawa ang kanilang year-end assessment at Christmas party sa bayan ng Dapitan ngunit kinansela na ang lahat.

Nakatakdang isailalim sa post mortem examination ang bangkay ni Sales.

Facebook Comments