Natapos na rin ang paghahanap ng medalya ng Pilipinas sa 2018 Youth Olympic Games (YOG) sa Buenos Aires, Argentina.
Pumangalawa kasi si Christian Tio sa kiteboarding event ng YOG para makuha ang silver medal.
Ito ang unang medalya na nakuha ng Pilipinas sa Youth Olympiad matapos hindi pinalad na maka-podium finish ang iba pang pambato ng bansa sa ibang mga event.
Ito rin ang pangalawang medalya ng Pilipinas sa kasaysayan ng YOG. Nakakuha ng gintong medalya si archer Gab Moreno sa mixed team event sa 2014 Nanjing YOG sa China.
Umusad naman sa mixed international team event ng archery sina Nicole Tagle at ang katandem nito na si Hendrik Osun ng Estonia.
Tinala ng tambalang Tagle at Osun sina Isabela Bassi ng Chile at Raven Dalpatadu ng Sri Lanka sa shoot off, 5-4.
Makakaharap nila sa next round ang pareha nina Alyssia Tromans-Ansell ng Great Britain at Reza Shabani ng Iran.