PUMANGATLO | PH peso, kabilang sa mga currency na pinakamalaki ang ibinaba ang halaga

Manila, Philippines – Pumangatlo ang Philippine peso sa labindalawang currency sa Asya na may pinakamalaki ang ibinaba.

Nangunguna sa listahan ang Indian rupee na bumaba ng 11.7 percent; pangalawa ang Indonesian rupiah, 9 percent at pangatlo ang Pilipinas, 7.39 percent.

Paliwanag ng Department of Finance (DOF), ang mga bansang nakararanas ng highest depreciation ay kabilang sa mga fastest growing countries.


Ito rin daw ang mga bansang may mataas na gross domestic product growth weight.

Sabi pa ng DOF, ang paggalaw sa halaga ng Philippine peso at kapareho rin ng paggalaw ng ibang Asian currency sa kabila ng matinding pagbabago sa exchange rate bunsod ng global trade war, krisis sa Turkey, Argentina at ng fed monetary normalization.

Kahapon, nagsara sa P53.94 ang palitan ng piso kontra dolyar na pinakamahina sa nakalipas na halos 13 taon.

Facebook Comments