Pansamantalang nakalaya si Ex-Minneapolis Officer Derek Chauvin matapos itong makapag-piyansa ng isang milyong dolyar.
Si Chauvin ay nakulong dahil sa kontrobersiyal na pagkakapatay sa Black American na si George Floyd.
Ito ang kinumpirma ni Spokesperson Sarah Fitzgerald ng Minnesota Department Of Corrections kung saan nakalaya na ito mula sa kanilang kustodiya.
Matatandaang sinamapahan si Chauvin ng second-degree murder, third degree murder at second degree manslaughter matapos nitong luhuran ang leeg ng biktima nang halos 8 minuto na ikinasawi ni Floyd.
Nagbunsod ng malawakang protesta ang pagkamatay ni Floyd na may panawagang #BlackLivesMatter.
Facebook Comments