Pumatok na Business Noong 2018, Patok pa rin kaya Ngayong 2019?

IMAGE FROM: CLEANPRO

Bagong taon, bagong buhay! Nalalapit na naman ang pagpapalit ng  taon at karamihan sa atin ay naghahanap ng panibagong bagay na gagawin sa pagpasok ng 2019. At para sa ating mga business-minded diyan, pagkakataon na ito para magsimula ng panibagong patok na negosyo.

Pero bago tayo mag-‘Good bye 2018 at Hello 2019′, balikan muna na’tin ang mga pumatok na business nitong nakaraang taon. Mga business ideas na maaring makatulong sa mga negosyo hopefuls na’tin sa pagsisimula nila ng panibagong hit at winner na business ngayon 2019.

  1. Dream Cakes

IMAGE: APPETITE- ONE MEGA LFIESTYLE

Likas na mahilig ang pinoy sa tsokolate kaya naman hindi naging mahirap ang paglago ng negosyong ito. Ang dream cake ay isang uri ng panghimagas na mayroong iba’t-ibang klase o layer ng chocolate sa loob ng isang lata na maganda ring gawing pang-regalo o kaya nama’y handa para sa pasko o bagong taon.

 

  1. Food Parks
IMAGE FROM: GALLA SEELENFLUEGEL.INFO

Kaya naman naging patok ang business na ito ay dahil na rin sa magandang konsepto at Instagram-worthy na ambiance. Perfect ang mga food parks sa mga naghahanap ng iba’t ibang klaseng kainan na hindi mo na kailangan pang lumayo at magpalipat-lipat dahil nasa isang lugar na lang silang lahat!

 

  1. Self-Service Laundry
IMAGE FROM: CLEANPRO

Kamakailan lang ay nagsilitawan ang mga self-service laundry business dito sa bansa. Marami ang natuwa rito dahil dati ay sa ibang bansa ka lamang makakakita ng mga ganitong laundry shops. Patok na patok ito sa mga taong nagta-trabaho at hindi makahanap ng mga maglalaba o sa mga busy na mommy or daddy na walang oras para labhan ang kanilang mga damit. Sa simpleng paghuhulog ng piso sa mga coin slots ng bawat machine kusa na nitong lalabhan ang iyong mga damit ng walang hirap.

 

  1. Piso-net and Printing Services
IMAGE FROM: DIY PRINTING

Isa pa sa mga pumatok na businesses ngayong 2018 ay ang mga piso-net at piso print services, lalo na para sa mga estudyante. Tinangkilik ito ng karamihan dahil na rin mas mura na ang pag-renta sa mga computer at internet pati na rin ang pag-print ng kahit anong documents, assignments o mga projects. Perfect ito sa mga budgeted ­peeps na’tin diyan na gustong makatipid.

 

  1. Online Buy & Selling
IMAGE FROM: MANDIFINITY.COM

Matagal na nag-umpisa ang online business sa bansa at hanggang ngayong taon ay patok na patok pa rin ito. Bakit nga ba? Ang online business ay swak para sa mga gusto lang ng part-time na pagkakakitaan o sa mga walang ipupuhunan para makapagtayo ng physical store o establishment. Ang kailangan mo lang para mag-umpisa rito ay smartphone/computer, internet at social media.

 

Ilan lang ‘yan sa mga pumatok na negosyo ngayong 2018. Kung naghahanap ka ng mapagkakakitaan para sa bagong taon maari mong maging basehan ito para magkaroon ka ng magandang simula. Bagong taon, bagong buhay, bagong business para sa iba, ano naman kaya ang mga papatok ngayong 2019?

 


Article written by Jose Martin Oanes

 

 

Facebook Comments