PUMAYAG NA | Pribadong sector, pinayagan nang mag-angkat ng bigas na sobra sa minimum access volume

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na pinapayagan na ang mga pribadong rice dealers sa pamamagitan ng National Food Authority Council na magangkat ng bigas lampas sa tinatawag na Minimum Access Volume o MAV.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang NFA council mismo ang nagpatibay ng resolusyon para makapag import ang pribadong rice dealers ng lampas sa MAV na itinakda ng Word Trade Organization.

Ang desisyon aniya ng NFA Council na magangkat ng bigas ang pribadong sector ay para mapababa ang presyo ng bigas sa merkado at madagdagan ang supply nito sa bansa.


Binigyang diin ni Roque na ang pagaangkat ng bigas ng pribadong sector ang solusyon ng NFA Council para maresolba ang problema sa mataas ng presyo ng bigas sa merkado.

Matatandaan na noong Enero ay pinayagan ng NFA Council ang NFA na makapag angkat ng 250 libong metriko toneladang bigas mula sa Thailand at Vietnam pero nang dumating noong nakaraang Hunyo ay hindi ito agad naipamahagi kaya patuloy ang rice shortage na nagdudulot ng mataas na presyo ng bigas.

Facebook Comments